pí•ko•ló 1: maliit na plawtang isang oktaba ang taas ng tunog kaysa karaniwang plawta 2: uri ng maliit na paputok.
pí•kot 1: píkon 2: pamimilit sa isang tao na gumawâ ng isang bagay na mahirap takasan, gaya ng pagpapakasal
pik•sí 1: pagpupumiglas tulad ng kapag ang kamay ay hinahawakan nang mahigpit 2: pagtutol sa hatol 3: maliliit na talon 4: bigla-ang pagpihit o pagtalikod nang pada-bog, lalo kung nagagalit o naiinis
pí•lak 1: metalikong element na makinis, putî, at ginagamit sa paggawâ ng salapi, salamin, palamuti, at iba pa (atomic number 47, symbol Ag) 2: salapi1 3: kataráta1.
pi•la•mén•to 1: lamuymoy1 2: kawad na umiilaw kapag dinadaluyan ng koryente 3: bahagi ng estambre na umaalalay sa anther ng ilang bulaklak