pi•lì 1: hirang o paghirang para sa isang gawain o tungkulin 2: pagpapasiya 3: paglilinis ng bigas sa pama-magitan ng pag-aalis ng palay, bató, at iba pa
pí•li 1: malaki-laking pu-nongkahoy (Canarium luzonicum) na may makinis at madalîng matanggal na balát at may bungang parang habilog na nuwes 2: ang bunga nitó 3: malaking punongkahoy (Manila elemi) 4: bisi-rong babae na wala pang isang taon.
pi•líg 1: pagwilig ng ulo upang mapalabas ang anumang bagay na pumasok sa tainga 2: pagpalag ng katawan kung naputikan, naalikabu-kan, o nabasâ
pi•lík 1: maikling buhok na nása gilid ng talukap ng matá 2: varyant ng pilig 3: kinig o panginginig.
pi•líng 1: kumpol ng mga bunga, gaya ng saging, lansones, at duhat 2: pag-iling ng ulo na nagpa-pakita ng galit.