pi•láng 1: malaking bolo na may malapad na talím at maaaring pagpapaikli o korupsiyon ng kampi-lan 2: maliit na itak.
pi•lan•tro•pí•ya 1: pagkagiliw sa tao, lalo sa pagbibi-gay ng donasyon, salapi, ari-arian, o trabaho na kailangan ng mga tao o ng lipunan 2: aktibi-dad ng ganitong pagbibigay o layunin sa ganitong paraan
pi•lá•pil 1: tíla dikeng bakod sa paligid ng mga pitak ng bukid at nagsisilbing dibisyon, pangkontrol ng tubig, at daan sa bukid 2: uri ng punong-kahoy na napakataas.
pi•la•ré•te 1: patayông bahagi ng balangkas na sumusuhay o tumutukod sa dingding 2: nakata-yong balangkas ng tabike.
Pilar, Gregorio del (pi•lár gre•gór•yo del) : (1875-1899) noong dig-maang Filipino Amerikano, ang pinakabatàng heneral sa panig ng Filipinas.
Pilar, Marcelo H del (pi•lár mar•sé•lo eyts del) : (1850-1896) ma-nunulat at abogadong lider ng kilusang propaganda at editor ng La Solidaridad.