pi•nag-, -an : pambuo ng pangnagdaang anyo ng pandiwang pawatas ng pag-,-an, hal pag-arálan, pagsúmbungán.
pi•nág•bu•há•tan 1: pinagmulan 2: kasáma ng praseng “pinagbuhatan ng kamay,” sinaktan sa pamamagitan ng suntok o palò.
pi•nág•ka•i•sa•hán 1: tumutukoy sa isang bagay na bunga ng pagkakasundo ng isang pangkat 2: tumutukoy sa isang tao na ipinasiyang salungatin o kalaba-nin ng nakararami.
pi•nág•ka•lak•hán 1: tumutukoy sa ugali na nakuha mula ng kamusmusan 2: tumutukoy sa anumang damit na maliit na sa nagsusuot.
Pi•nag•la•bá•nan : pook sa Lungsod San Juan na pinangyarihan ng malaking labanan noong 1896 dahil sa pag-lusob ng mga Katipunero sa deposito na binabantayan ng mga Espanyol.
pi•nág•sa•man•ta•la•hán 1: tumutukoy sa sinumang biktima ng hindi makata-rungang gawain 2: tumutukoy sa babaeng biktima ng gahasa