pi•li•pít 1: anyo ng itinuturing na isinumpa 2: uri ng tinapay na may anyong papulupot, matigas, at iginugulong sa asukal.
pi•lí•pit 1: anyo na baliko at pakulot, gaya ng dalawang alambre na pinilipit 2: anyo ng dalawang pinagdikit na mahabàng bagay na hinawakan ang magkabi-lâng dulo at pinaikot-ikot, gaya ng papel na pinilipit
pí•lit 1: paggamit ng lakas, ka-pangyarihan, at katulad upang maga-wâng tanggapin ng tao ang isang bagay na labag sa kaniyang kalooban 2: giit o paggiit 3: matinding pagna-nais na makamit ang isang bagay o adhikain
pi•líw•pi•lí•wan : ibong kauri ng sipyakan (Anthus gustavi) baga-man may malalaking bátik na itim at mamulá-mulá sa pang-itaas na bahagi ng katawan