pi•lo•lo•hí•ya 1: ang agham ng wika, lalo na sa aspektong pangkasaysayan at paghahambing ng mga wika; lingguwistika 2: hilig sa pag-aaral at literatura
pi•lón 1: mataas na tore o poste para sa mga kable ng koryente 2: tore na gumagabay sa mga abyador, lalo na sa karera 3: malaking tarangkahan o pintuan, lalo na ang nása bungad ng templo sa sinaunang Egypt
pi•lo•so•pí•ya 1: ang makatwirang imbestigasyon ng mga katotohanan at prinsipyo ng tao, kaalaman, o gawi 2: ang kritikal na pag-aaral ng mga pangu-nahing prinsipyo at konsepto ng partikular na sangay ng kaalaman, lalo ang pananaw sa pagpapaganda at pagsasaayos nitó
Pi•ló•so•pó Tas•yò : tauhan sa Noli Me Tangere, maalam na matan-dang tagapayo ng marurunong ng San Diego.
pi•ló•to 1: tao na nagpapalipad ng sasakyang pang-himpapawid 2: bangkero1 3: patnubay sa pag-lalakbay
pil•píl 1: mga tuyông dahon ng punongkahoy 2: bunton ng sanga ng haláman, siit, o katulad, na naiwan ng malakas na hangin o kayâ ng mga alon sa dalampasigan 3: kasuotang pang-ilalim para sa bagong-panganak 4: patíng.
Pil•pil•mí 1: noong pana-hon ng Hapones, taguri sa mga gerilyang Filipino na mula sa mga lalawigang bulubundukin 2: huwad na gerilya.