pí•no : punongkahoy (genus Pinus) na tuwid, hindi gaa-nong lumalaki ang sanga, at karani-wang mahahabà ang dahon
pí•no 1: maliit na maliit; duróg na tíla pulbos 2: kung sa rabaw, makinis at manipis 3: kung sa paraan ng paggawâ o panlasa, mainam 4: kung sa ugali, magálang o mapitagan
pin•pín 1: tabla na inilalagay na pangharang sa pinto, daan, o ilog 2: balakid, o anumang bagay na pangharang 3: anumang kaug-nay sa paggamit ng araro.
pin•sa•là : anumang súgat, pílay, at katulad na nagdudulot ng kirot sa tao o anumang gurlís, lámat, bátik, patse, at katulad na nagdudulot ng hindi kanais-nais na epekto sa isang bagay
pín•san 1: anak ng tiyo, tiya, o iba pang malapit na kamag-anak 2: tao na kabílang sa mala-kíng pamilya 3: bagay na kaugnay o kawangis ng isa pang bagay
pin•sél : uri ng brotsa na manipis at patulís ang balahibo sa dulo at ginagamit ng artist sa pag-pipinta