pin•tóng 1: malaking mátong para sa pag-iimbak ng palay 2: pag-iimbak ng produkto gaya sa isang bodega.
pin•tór 1: tao na gumu-guhit ng mga larawang may kulay, karaniwan sa kambas 2: tagapahid ng pintura, gaya sa mga bahay
pin•tú•ngan 1: imbákan, gaya ng bangan 2: binbinan 3: anumang mapag-iimbakan o makukuhanan ng malaking bílang ng isang bagay
pin•tú•ra 1: substance na binubuo ng solidong matter na pangkulay sa pagpipinta at ipina-pahid bílang proteksiyon o palamuti sa iba’t ibang rabaw, kambas, o iba pang materyales 2: ang pagpapa-hid nitó 3: ang pinatu-yong pigment sa rabaw 4: painting1.
pi•nu•nò 1: tao na may pinakamataas na tungkulin, panana-gutan, at kapangyarihan sa isang pook, samahán, at katulad, gaya ng pangulo ng bansa 2: sa hukbo, tao na inatásan upang mag-utos sa iba
pi•nu•nòng-bá•yan 1: tao na namama-hala sa bayan 2: pangkalahatang tawag sa mga naglilingkod na opisyal sa pamahalaan.