pin•tá 1: anumang uri ng kulay 2: pagpa-pahid ng pintura, gaya ng ginagawâ sa mga bahay at iba pa 3: larawang gawâ ng kamay
Pin•tá•dos : noong panahon ng Espanyol, mga tao na naninirahan sa Visayas, na pu-nô ng tatô ang katawan
pín•ta-pin•tá•ro : bakát-bakát, tulad ng nangyayari sa mga bagay na kumukupas at nagmamantsa ang kulay.
pin•tíg 1: ritmikong paggalaw ng mga ugat dahil sa pagdaloy ng dugo mula sa puso, karaniwang nadaramá sa pulsúhan at leeg 2: ang bilis o bagal ng naturang paggalaw at karaniwang ginagamit upang alamin ang tibok ng puso, ang tindi ng damdamin, at kalusugan ng isang tao 3: ang katulad na galaw ng tunog, liwanag, koryente, o musika, hal pintig ng tambol, pintig ng motor
pin•tô : anumang harang sa isang daánan o lagúsan, gawâ sa kahoy, salamin, o metal, at nakakabit sa pamamagitan ng bisagra