pag•la•la•rá•wan 1: paraan ng pagdrowing , o pag-pinta sa isang bagay 2: sulatin na may layuning itanghal na tíla larawan ang isang karanasan gaya ng isang tao, eksena, o damdamin
pag•la•lat•ha•là : produksiyon at pamamahagi ng mga aklat, magasin, pahayagan, at iba pang materyales upang ipagbili sa publiko
pag•la•la•yág 1: paraan ng paglalakbay lalo na sa pagtawid ng dagat 2: na-atraso o hindi regular na pagdatíng ng regla.
pag•lí•ban 1: pagiging absent 2: hindi pagdalo sa pulong o okasyong ipinag-imbita 3: hindi pagbabayad nang regulár ng hinuhulugan.
pag•lí•him : paraan ng pakikipag-usap ng lihim o pribado sa isang tao, lalo na upang kumuha ng personal o lihim na impormasyon.
pag•li•li•náng 1: paggawâ ng linang1,2 o kultibas-yón 2: gawain upang umunlad ang isang katangian ng tao, bagay, o lipunan, hal paglilinang ng kakaya-hang magtalumpatì o paglilinang ng industriya