pag•li•lí•pat 1: lípat 2: pagpapalit ng posisyon ng mga ponema, hal y+in+akap= niyayakap, hindi yinayakap; l+in+ luto=niluluto, hindi linuluto
pag•lu•lu•wág 1: pagkakalag ng anumang mahigpit 2: pagdudulot ng luwag, gaya sa pagluluwag ng tuntunin o paglulu-wag ng espasyo
pag•ma•ma•bu•ti•hán 1: paraan ng pagiging mabuti sa isa’t isa 2: pagkakasundo ng magkasintahan upang magpaka-sal
pag•ma•ma•da•lî : mabilis na pagkilos o pagtupad ng gawain at malimit na nauwi sa aksidente o masamâng resulta