pis•pís 1: mismís1 2: pagpupunas o pagpapagpag ng alikabok na nása rabaw ng anuman 3: pagtitipon ng mga labí ng pagkaing naiiwan sa mesa sa pamamagitan ng basáhan o anu-mang pampalis 4: sisiw ng kalapati o ng iba pang ibon.
pis•tá 1: taunang pagdiriwang na karaniwang panre-lihiyon, pag-alaala, o pagpupugay sa pangyayari, tao, at iba pa 2: pigíng 3: pagkakaroon ng pagdiriwang
pis•tá ka ká•ro : ritwal na pag-aalay ng mga gamit na pam-bungkal ng lupa bago magsimula ang panahon ng pagtatanim.
pis•tón 1: isang disk na gumagalaw nang pabalik-balik dahil sa presyon ng likido sa loob ng mákiná 2: paayóng lupi sa paa ng pantalon, likha ng daan ng plantsa.
pis•yo•ló•hi•kó 1: hinggil sa pisyolohiya 2: alinsunod sa karaniwan o normal na pagganap ng organismo sa tungkulin nitó
pís•yo•lo•hí•ya 1: agham hinggil sa mga tungkulin o gawain ng buháy na organismo o ng mga bahagi nitó 2: organikong proseso ng tungkulin ng organismo o alinman sa mga bahagi nitó