pithecanthropus (pi•ti•kán•tro•pús) : mga uri ng tíla unggoy na tao, lalo ang (Pithecanthropus erectus) ng Pleistocene na naglaho o ubos na.
pi•tík 1: pag-igkas ng hintuturo na nakabaluktot sa hinalalaki, lalo at may pinatatamaan 2: nakaikid na pisi na may bahid ng tinta, hinahatak upang mag-iwan ng tuwid na linya na magsisilbing gabay sa pagpútol ng kahoy 3: pamitik2 4: kislap at tunog, gaya sa apoy, ilaw, at kauri 5: tunog ng biglaang paghampas o pag-alon, gaya sa lubid, kabisada, at kauri
pi•tík-bu•lág : larong pambatà, pinipitik ang kamay ng tayâ na nakatakip sa mukha nitó at pagkata-pos ay huhulaan at gagayahin ng tayâ ang iminuwestrang kamay ng pumi-tik