pí•tis 1: paghihigpit hábang iniikot 2: maliit na baywang 3: pohas na gawa sa tanso na gina-gamit bilang salapi na may butas sa gitna 4: takalán ng butil na nagla-lamán ng kalahating salop.
pí•to 1: sipol1 2: silbato1 3: plawta 4: pitada 5: matigas na goma o plastik na inilalapat sa labatiba
pi•tón : malakíng ahas (family Pythonidae) na walang ka-mandag, nanlilingkis, at natatagpuan sa rehiyong tropiko.
pi•tó-pi•tó 1: tsaa na gawâ mula sa pitóng uri ng dahon tulad ng sa mangga, abokado, anis, pandan, ba-yabas, banaba, at kalamata na inilaga sa pitóng tasang tubig 2: pelikula na ginawâ sa loob ng pitóng araw.
pit•pít 1: ibong kauri ngunit mas maliit sa maryakapra (Rhipidura cyaniceps), abuhing mangasul-ngasul ang ulo, dibdib, at likod sa-mantalang kalawanging kayumanggi ang malaking bahagi ng pakpak at buntot 2: libag1 3: pag-ipit o pagkaipit ng kamay o paa sa gitna ng dalawang nagtatagis o pinupuk-pok na bagay.