playing card (plé•ying kard) 1: isa sa kumbensiyonal na set ng limampu’t dalawang baraha na may apat na suit, at ginagamit sa laro o sugal 2: teks.
pláy•wud : tablang matibay at manipis, may dalawa o higit pang patong na pinagdikit na salítan ang direksiyon ng haspe
please (plis) 1: maging katanggap-tanggap 2: magbigay-lugod 3: matuwa o ikatuwa 4: magkaibig 5: paki- o ipaki-.
plebeian (pli•bí•yan) 1: sa sinaunang Roma, karaniwang mamamayan o tao 2: tao mula sa uring manggagawa, lalo ang hindi nakapag-aral
plé•bi•sí•to : botohan o pagpapasiya ng taum-bayan hinggil sa anumang suliraning iniharap sa kanila ng mga mayhawak ng kapangyarihan