pluck (plak) 1: bunutin, gaya ng balahibo o kilay 2: hilahin nang bigla 3: ibinit at pawalan upang tumunog, gaya ng kuwerdas ng gitara.
plug (plag) 1: piraso ng kahoy o iba pang materyales, ginagamit upang tapalan ang bútas o siwang 2: kasangkapan na maaaring kabitan ng mga konduktor ng isang kawad at nakapagdadaiti ng koneksiyon.
plu•má•he 1: makulay na balahibo ibon 2: bung-kos ng balahibo ng ibon, nakatali sa isang dulo at ginagamit na palamuti, lalo sa sombrero.
plumbing (plá•ming) 1: ang sistema ng mga túbo at iba pang apa-rato para sa pagpapadaloy ng tubig, basurang likido, at iba pa, gaya sa plumbing ng gusali 2: ang gawain ng tubero.
plume (plum) 1: balahibo, lalo na ang malakí at ginagamit bílang palamuti 2: malaki at maha-bàng pakpak 3: anumang kahawig nitó.
pluperfect (plu•pér•fekt) : panahunan ng pandiwang nagsasa-ad ng pangyayaring naganap na bago pa naganap ang iba.