Pliocene (plí•yu•sín) : hulíng epoka ng tersiyarong panahon kung kailan naglaho ang maraming uri ng mammal at umunlad ang mga ho-minid.
plo•ré•ra 1: lalagyan ng bulaklak, karaniwang yari sa kristal, plastik, o porselana 2: babae na nagtitinda ng bulaklak; plo•ré•ro kung laláki.
plo•ré•te 1: tagisan ng dalawa o higit pang tao sa pag-gamit ng espada 2: espadang gamit sa larong ito.
plot (plat) 1: pakanâ3 2: bangháy3 3: pitak ng lupa na inilaan para sa mga pananim 4: tsart na nagpapakíta ng ruta ng isang sasak-yan 5: mga pook na puntirya sa isang mapa.