Polish (pó•lis) : wika sa Poland, kabílang sa pangkat Eslábo ng mga wika at nakasulat sa alpabe-tong Romano.
Polish notation (pó•lis no•téy•shon) : isang sistema ng no-tasyon para sa mga pormula na hindi ginagamitan ng mga braket at mga bantas, madalas gamitin upang kumatawan sa sunod-sunod na mga operasyong isinasagawâ sa computer at katulad.
po•lís•ta : noong panahon ng Espanyol, tao na sapilitang pinagtrabaho nang walang bayad sa ilalim ng kautusang polo.
politburo (pó•lit•byú•row) : pangunahing lupong pampatakaran at komiteng tagapagpaganap ng isang Partidong Komunista, lalo na sa dáting USSR.
political correctness (po•lí•ti•kál ko•rék•nes) 1: pag-iwas sa paggamit ng mga anyo ng pahayag at pagkilos na nagsasantabi o uma-aglahi sa mga pangkat ng minorya 2: pagtataguyod ng gayong pag-iwas.