polo shirt (pó•lo syert) : panlalaking kasuotang pang-itaas, maikli ang manggas, maaaring biyak o hindi ang harapán
polos y servicio (pó•los i ser•vís•yo) : noong panahon ng Espanyol, sapilitang pagpapatrabaho sa mga tao
poltergeist (pól•ter•gáyst) : maingay na multo na nagpaparam-dam sa pamamagitan ng pagpapaga-law ng mga bagay.
po•lus•yón : kalaga-yan ng pagkakaroon ng kapaligiran ng nakalalasong substance na maaaring magdulot ng masamang epekto sa kalusugan
poly- 1: nagsasaad ng mara-mi o sapat, hal polyandry, polyclinic 2: nagsasaad ng pagtataglay ng ilan o maraming radikal sa uri ng molecule, lalo sa polymer, hal poly-ethylene, polysaccharide.
polyadelphous (pól•ya•dél•fus) : nagtataglay ng maraming stamen na nakapangkat sa tatlo o higit pang bigkis.
polyamide (pól•ya•máyd) : alinman sa uri ng kondensas-yong polymer na nalilikha mula sa inter-aksiyon ng pangkat amino ng isang molecule at grupong carbo-xyllic acid ng isa pang molecule.
polyandry (po•li•yán•dri) : kaugalian na maaaring magpakasal ang isang babae sa dalawa o higit pang lalaki sa isang takdang panahon
polycarbonate (pó•li•kár•bo•néyt) : alinman sa uri ng polymer na nagkakaugnay ang mga yunit sa pamamagitan ng grupong carbonate, at karaniwang ginagamit bílang panghubog na materyales.
polychaete (pó•li•kít) : uri ng bulateng pantubig (class Polychaeta) na maraming hibla sa malamáng lobe ng bawat bahagi ng katawan nitó.
polychromatic (pó•li•kro•má•tik) 1: may taglay na maraming kulay 2: nagtataglay ng mahigit isang hábàng alon.
polychrome (pó•li•króm) 1: likhang marami ang kulay, lalo na ang pinintahang estatwa 2: marami o iba’t ibang pagkukulay.
polyester (pó•li•yés•ter) : alinman sa pangkat ng kondensas-yong polymer na ginagamit sa pagbuo ng mga hiblang sintetiko at paggawâ ng resin.
polyethylene (po•li•í•ti•lín) : polymer na plastik ng ethylene (CH2CH2), ginagamit sa paggawâ ng insulasyon, bag, at katulad.