po•la•ri•dád 1: pagkakaroon ng dalawang polo na tandisang magkasalungat ang mga katangian 2: kalagayan ng pagiging positibo o negatibo kaugnay ng polong magnetiko o elektrikal 3: pagkakaroon o pagpapakíta ng dalawang magkasalungat na prinsipyo, tunguhin, o katangian
Po•lá•ris 1: kambal-bituin na matatagpuan sa layong isang degree mula sa polong seles-tiyal sa hilaga, sa konstelasyon ng Ursa Minor 2: uri ng balistikong misil na inilulunsad mulang submarino at idinisenyo para magtaglay ng mga bombang nuklear.
po•la•ri•sas•yón 1: paggawâ ng kalagayan ng liwanag na nag-iiba-iba ang mga sinag at anyo túngo sa iisang direk-siyon 2: pagkakahati túngo sa magkasalungat na direksi-yon
po•láy•nas : pang-ibabâng kasuotan na nauunat o nababanat, karaniwang ginagamit ng babae o batà var puláynas, polínas
pol•bo•rón : uri ng tinapay na gawâ sa minoldeng sinangag na arina, mantekilya, asukal, at pulbos na gatas