precocial (pri•kó•syal) : sa mga ibon, nagkakaroon ng inakáy, at may kakayahang maghanap ng sariling pagkain pagkalabas na pagkalabas mula sa napisâng itlog.
precocious (pri•ków•syus) 1: maagang umunlad ang pag-iisip at ilang katangian 2: kakikitahan ng maagang pag-unlad.
precondition (pri•kon•dí•syon) : pangunang kondisyon na dapat gawin o isaalang-alang bago gawin ang iba pa.
predator (pri•déy•tor) 1: hayop na naninilà ng ibang hayop 2: estado, at iba pa na may ugaling manakop at magpahirap sa iba.
predestination (pri•dés•ti•néy•syon) : sa teolohiyang Kristiyano, dibinong pagtatalaga ng lahat ng magaganap, lalo kung sino ang maliligtas.
predetermination (prí•di•tér•mi•néy• syon) 1: nauna nang pasiya o palagay 2: pagpanig o pagkíling, gaya ng hukom na hindi pa naka-gagawâ ng paglilitis.
predictable (pre•dík•ta•ból) 1: nahuhulaan; naaasahang maga-nap 2: sa tao, madalîng mabatid ang ikikilos.
pre-empt (pri•émpt) 1: maunang itakda 2: kunin o iangkop nang maaga kaysa takdang panahon 3: iwasan ang atake, sa pamamagitan ng pagsupil sa kalaban.
prefabricate (pri•fáb•ri•kéyt) : gawin muna ang mga bahagi, gaya sa gusali at iba pa, upang madalîng mabuo kapag pinagkabit-kabit.