prajna (práz•na) : sa Budhismo, taal na pagkatanto sa katotohanang itinurò ni Budha at isang antas na kailangan upang makaratíng sa nirvana.
prák•ti•kál 1: angkop sa tunay na paggamit 2: taglay sa isip ang mga ibubunga, kabuluhan, kapakinabangan, at iba pa
prák•tis 1: gumawâ nang madalas 2: gawing paulit-ulit, gaya ng pagsasanay, upang mapabuti ang kakayahan
praline (pra•lín) : substance na makinis, matamis, gawâ sa nuwes na pinakuluan sa asukal, at karani-wang ginagamit na pambalot sa tsokolate.
prá•na 1: sa yoga, ang mahalagang prinsipyo 2: isa sa limang pangunahing hininga sa katawan 3: hinga1 o paghinga.
pra•né•la 1: mainit at malambot na tela, yarì sa lana, cotton, o rayon 2: kasuotang gawâ sa naturang tela
prang•kí•sa 1: karapatang bumoto 2: pribilehiyong ipinagkakaloob ng pamahalaan sa isang tao o pangkat ng mga tao upang maglingkod 3: permiso na ipinagka-loob ng pabrikante sa distributor o retailer upang makapagbenta ng produkto 4: ang permi-song ibinibigay para sa puwesto nitó 5: kalayaan, lalo sa pagkabilanggo o pagkaalipin