premature (prí•ma•tyúr) 1: naganap bago ang takdang panahon 2: ipinanganak nang maaga at hindi pa umaabot sa siyam na buwan ang pagbubuntis.
pré•me•di•tas•yón 1: pag-iisip o pagpaplano ng isang gawain bago isakatuparan 2: paunang pag-iisip at paghahanda ng isang kilos ka-ugnay ng isang krimen
premise (pré•mis) 1: sa lohika, proposisyon na sumusuhay o tumutulong sa kongklusyon 2: basehan ng sinasabi o hinihinuha sa paglilitis 3: sa anyong maramihan, súkat ng lupa kasáma ang gusali na nakatayô rito.
premium (prím•yum) 1: anu-mang ibinibigay nang libre o múra upang makahikayat, gaya sa pagbili ng produkto 2: bayad sa seguro 3: bonus 4: gantimpala 5: uri ng gaso-lina o krudo.
pré•no : kasangka-pan para mapabagal o mapatigil ang takbo ng isang mekanismo, lalo na ang gulóng o sasakyan
pré•no•lo•hí•ya : sistema ng paghusga sa ugali at talino ng tao sa pamamagitan ng pagsalat sa bungo nitó