privacy (práy•va•sí) 1: kala-gayan ng pagiging pribado 2: pag-iisa; kawalan ng kasáma 3: pagiging lihim.
Private Automatic Branch Exchange (práy•veyt o•to•má•tik brants éks•tyends) : sistema ng awtomatikong paglilipat ng tawag sa telepono sa loob ng isang opisina o gusali
privateer (práy•va•tír) 1: armadong sasakyang-dagat na pag-aari at pinamamahalaan ng mga pribadong tao na awtorisado ng pamahalaan upang gamitin laban sa kalabang bansa lalo sa paghúli sa barkong pangkalakalan 2: pinunò o tauhan ng naturang sasakyang-dagat.
private sector (práy•veyt sék•tor) : bahagi ng ekonomiya na hindi nakapailalim nang tuwiran sa kontrol ng estado.
pri•yo•ri•dád 1: katotohanan o kondisyon ng pagiging maaga o nauna 2: ang nauuna sa ranggo at katulad
pro- 1: pumapanig o nagtataguyod 2: gumaganap bílang kahalili o katuwang 3: pasulong o pababâ, hal prostrate 4: nása harap.