proconsul (pro•kón•sul) 1: opisyal, karaniwang ang dáting consul, na tumatayô bílang gober-nador o komander ng militar sa isang lalawigan, at may kapangyarihang tulad ng sa consul 2: sinumang hinirang na administrador sa isang sinakop na pook.
procreate (pró•kre•éyt) : lu-mikha o magpairal ng búhay sa pamamagitan ng natural na proseso ng reproduksiyon.
Procrustean (pro•krús•ti•yán) 1: may kaugnayan kay Procrustes 2: naglalayong ipatupad ang pagkakapareho o pagkakapantay.
Procrustes (pro•krús•tis) : magnanakaw na bumabatak o pumupútol sa katawan ng kaniyang biktima upang magkasiya ito sa kaniyang higaan.
Procyon (pro•sí•yon) : pangwalong pinakamaliwanag na bituin at pinakamaliwanag din sa konstelasyon ng Canis Minor.
prodigy (pró•di•dyí) 1: tao na pinagpalà ng katangi-tanging abilidad, lalo na ang isang batà na may kakaibang kakayahan 2: isang pambihirang bagay 3: isang napa-kagalíng o napakahusay na halimba-wa.
produce (pro•dús, prod•yús) 1: anumang bunga ng agrikultura at mga likás na produkto 2: resulta ng pagtatrabaho, pagpupunyagi, at iba pa 3: anumang bunga, lalo na ng pagtuklas ng mineral.
produce (pro•dús, prod•yús) 1: magbigay ng silbi o gamit 2: lumikha ng isang bagay o produkto mula sa hilaw na sangkap o mater-yales 3: mamunga ng prutas, ani, at katulad 4: bigyang búhay o pag-iral 5: magdulot ng isang reaksiyon, sensasyon, at katulad 6: a ipakilála sa publiko ang isang dula, aklat, at katulad b pangasiwaan ang paglikha ng isang pelikula, brodkast, rekord, at katulad.
product (prá•dak) 1: pro-dukto 2: substance na nakukuha mula sa iba pang substance sa pamamagitan ng chemical change 3: ang resulta na nakukuha sa pagpaparami sa dalawa o higit pang kantidad.
production assistant (pro•dák•syon a•sís•tant) : tao na nagli-lingkod bilang katuwang sa alinmang gawaing pamproduksiyon