proactive (pro•ák•tiv) 1: lumilikha o kumokontrol ng kalaga-yan sa pamamagitan ng paggawâ ng pangunang hakbang 2: kaugnay ng pagkokondisyon ng isip o nakasaná-yan.
pró•ba•bi•li•dád 1: katangi-an o kalagayan ng pagiging maaaring mangyari o magkatotoo 2: bagay na maaaring maganap o magkatotoo 3: ratio ng bílang ng paborableng pagkaka-ong maganap ang isang bagay sa kabuuang bílang ng mga posibleng mangyari
pro•bán•sa : pagsubok upang maláman o matiyak ang katangian, uri, at iba pa ng mga kagamitan sa paggawâ ng anuman.
pro•bas•yón 1: pagsubok sa asal, pagkatao, at mga katangian ng isang tao 2: kalagayan o panahon ng gayong pagsubok 3: sistema ng pagpapaliban ng parusa sa isang nagkasala sa kondisyong magpapa-katino siya at sa ilalim ng mahigpit na pagsubaybay ng hukuman
probe (prowb) 1: masusing pagsusuri 2: anumang maliit na kasangkapan, lalo na ang elektrodo, para sa pagsukat, pagsubok, at iba pa 3: kasangkapang pantistis na hindi matulis, karaniwang metal, at ginagamit sa pagsusuri ng súgat.
pro•bi•dén•si•yá 1: ang pangangalaga ng Diyos o kalikasan 2: sa malaking titik, ang Diyos sa aspektong ito
pro•bín•si•ya•lís•mo 1: ugali o kaugalian sa mga lalawigan o ng tagalalawigan 2: a salita, bigkas, o pangungusap na pangkaraniwan sa isang lalawigan b ang paggamit nitó
pro•bis•yón 1: artikulo o tadhana sa legal na instrumento, batas, at katulad, nagpapahintulot sa partikular na bagay 2: pagbibigay o pagsusuplay ng bagay, gaya ng pagkain at iba pang pangangailangan 3: pag-aayos o paghahanda bago gawin ang isang bagay