progenitor (pro•dyé•ni•tór) 1: ninuno ng isang tao, hayop, o haláman 2: pinagmulan 3: orihinal na kopya.
progesterone (pro•dyés•te•rón) 1: hormone (C21H30O2), na naghahanda sa sinapupunan para sa fertilisadong ovum at nagpapana-tili ng pagbubuntis 2: sa parmas-yutika, anyo ng nasabing compound, ginagamit na panlunas sa pagdurugo, dysmenorrhea, paulit-ulit na aborsi-yon, at iba pa.
progestogen (pro•dyés•to•dyén) 1: alinman sa mga pangkat ng hormone, kasáma ang progeste-rone, nagpapanatili ng pagbubuntis, at pumipigil sa posibleng obulasyon 2: anumang katulad ng nasabing hormone ngunit artipisyal.
próg•ram 1: palatuntunan 2: serye ng mga kodigong ins-truksiyon upang isaayos ang operas-yon ng computer at mga kaugnay na kasangkapan.
programming (prog•rá•ming) 1: paggawâ ng isang program o tiyak na pagpaplano 2: pag-gawâ ng program sa computer para sa pagsasagawâ ng isang tiyak na gawain.
progression (prog•rés•yon) 1: patuloy na pagsulong, pag-unlad, o pagbuti 2: pagkakasunod-sunod, tulad ng pangyayari.
pro•hi•bis•yón 1: báwal o pagbabáwal 2: a utos na nagbabawal ng isang bagay b kasulatan o dokumento mu-la sa isang mataas na hukuman na nagbabawal sa mababàng hukuman sa pagpapatuloy ng isang demanda na hindi saklaw ng kaalaman nitó 3: pagbabawal sa pag-likha o pagbebenta ng alkohol