promote (pro•mówt) 1: itaas ang ranggo, posisyon, o katulad 2: ilipat sa higit na mataas na dibis-yon ng liga ang isang koponan 3: itaguyod; tulungang umangat o umunlad 4: magpropaganda at mag-tinda ng isang produkto 5: tangkaing maipasá ang isang panukalang batas 6: sa ahedres, palitan ng reyna o iba pang higit na malakas na piyesa ang pawn kapag nakarating na ito sa kabilâng dulo ng tablero.
pro•mó•ter 1: tagatangkilik 2: tao na tagatustos o tagaorganisa ng mga palaro, produksiyon sa teatro, o katulad 3: pandagdag sa sigla ng isang katalisador.
prompt (prampt) 1: hikayatin 2: a idikta o ilagay ang nakalimutang salita, pangungusap, at katulad, gaya sa aktor o aktres, o sa nagtatalumpati b tulungan ang nagbabantulot na tagapagsalita sa pamamagitan ng suhestiyon 3: magsilbing inspirasyon.
prompter (prámp•ter) 1: tao na tagadikta o tagahikayat 2: tao na nakaupô sa lugar na hindi nakikíta ng mga manonood at nagdidikta sa mga aktor at aktres.
prong 1: alinman sa dalawa o higit pang matulis na bahagi ng te-nedor at katulad 2: pansipit 3: unyás.
pronounce (pro•náwns) 1: bigkasin o sambitin ang salita o tunog sa isang partikular na paraan 2: a sabihin ang hatol, sentensiya, sumpa, at katulad b pormal na iproklama o ianunsiyo 3: ipahayag ang sariling opinyon o haka-haka.