pro•po•sis•yón 1: pahayag o apirmasyon ng isang pasiya o paninindigan 2: pahayag na nagsasaad na ang isang konsepto ay maaaring totoo o mali 3: pormal na pahayag ng isang teorema o proble-ma na kailangang patunayan o lutasin 4: mungkahing paraan o plano ng pagkilos, karani-wan sa isang negosyo
prop•ye•tár•yo 1: may-ari ng negosyo, gusali, hotel, at iba pa 2: tao na may pribadong karapatan o titulo sa isang bagay
propylene (pro•pí•lin) : gas (CH3Ch=CH2) na walang kulay, nagliliyab sa serye ng olefin, pangu-nahing ginagamit sa organikong sintesis
pró•sa 1: karaniwang anyo ng pasulat o pabigkas na wika 2: mababà o karaniwang uri ng talumpati, akda, at iba pa 3: tulúyan
pro•sá•i•kó 1: may katangian ng anyo ng prosa kaysa tula 2: kulang sa ima-hinasyon at itinuturing na pangka-raniwan
prosciutto (pro•syú•tow) : spiced ham, karaniwang pinausukan, pinatuyô, at karaniwang inihahan-dang hiniwa na kasingnipis ng papel.
prosecute (pró•se•kyút) 1: sikaping matamo o maipatupad sa pamamagitan ng legal na proseso 2: magpatuloy o ipagpatuloy 3: gu-mawa o magsagawâ.
pro•sén•yo 1: bahagi ng entablado na nása harap ng kortina, karaniwang may pinala-mutiang arko 2: arko sa bukana ng entablado 3: entablado sa sinaunang tea-tro