puberty (pyú•ber•tí) : edad ng pagkakaroon ng kakayahan sa reproduksiyong seksuwal; panahon ng pagdadalaga at pagbibinata
pubes (pyú•bis) : ibabâng bahagi ng puson, na natatakpan ng bulbol mula sa pagdadalaga o pag-bibinata.
pubescence (pyú•bi•séns) 1: simula ng pagdadalaga o pagbi-binata 2: makinis na bahagi sa likod ng dahon o sanga ng haláman 3: makinis na mga bahagi ng ilang hayop, lalo ng kulisap.
public address system (páb•lik ád•res sís•tem) : malalakas na ispiker, mikropono, ampliyador, at iba pa na ginagamit para sa maramihang manonood
public domain (páb•lik dó•meyn) 1: mga lupaing pag-aari ng pamahalaan 2: kalagayan ng imben-siyon, akda, o katulad, na napasó ang karapatang-ari.
public enemy (páb•lik é•ne•mí) 1: tao na mapanganib sa publiko, karaniwang dahil sa mga krimeng nagawâ 2: bansa o pamahalaan na itinuturing na kaaway.