psych (sayk) 1: ihanda ang isip para sa dáratíng na pahirap 2: suriin ang motibasyon ng ibang tao para sa sariling bentaha.
psyche (sáy•ki) 1: ang kalu-luwa 2: ang pag-iisip 3: sa mala-kíng titik, magandang prinsesa na umibig kay Eros at itinuturing na personipikasyon ng kaluluwa ng tao.
psychic (sáy•kik) : tao na iti-nuturing na may likás na kapangya-rihan, gaya ng telepathy, panghuhula, at iba pa.
psychoanalysis (sáy•ko•a•ná•li•sís) 1: teorya na naglalayong galugarin ang di-malay na isip at ang ugnayan nitó sa malay na isip 2: te-rapyutikong paraan ng paggamot sa pamamagitan nitó.
psycholinguistics (sáy•ko•ling•gu• wís•tiks) : pag-aaral ng mga aspektong sikolohiko ng wika at pagkatuto ng wika.
psychopath (say•ko•pat) : tao na malalâ ang sakít ng isip, lalo kung may ugaling abnormal at marahas.