psychosis (say•kó•sis) : ma-lubhang pagkasirà ng isip, lalo kung nagbubunga ng pagkatiwalag sa rea-lidad.
psychosocial (sáy•ko•só•syal) : hinggil sa impluwensiya ng mga salik ng lipunan o ng ugali ng mga tao na kahalubilo.
psychotheraphy (sáy•ko•thé•ra•pí) : paggamot sa sakít sa isip sa pamamagitan ng pamamaraang sikolohiko.
pteridophyte (te•rí•do•fáyt) : haláman (division Pteridophyta) na walang bulaklak, kabílang ang mga pakô, at iba pa.
pterodactyl (té•ro•dák•til) : pterosaur (genus Pterodactilus) na may ngipin at mahabàng payat na ulo, leeg, at buntot.
pteropod (té•ro•pód) : gastropoda (class Pteropoda) na na-kalalangoy, naibubukang tíla pakpak ang gitnang bahagi ng paa.
pterosaur (té•ro•sáwr) : anumang reptil (order Pterosauria) mula sa panahon ng Jurassic at Creta-ceous, may mahahabàng membrane ang pakpak.
Ptolemaic (tó•li•má•yik) 1: hinggil kay Ptolemy o sa kani-yang teorya 2: hinggil sa mga Ptole-my, ang naghari sa Egypt mula nang mamatay si Alexander the Great.
Ptolemaic system (tó•li•máy•ik sís•tem) : teorya na ang mundo ang hindi gumagalaw at sentro ng uniberso.
Ptolemy (tó•li•mí) 1: Griye-gong matematiko, astronomo, at heo-grapo 2: sinumang hari ng dinastiya ng Macedonia, na nagpalakad sa Egypt.