pag-ú•ri 1: paghihiwa-hiwalay o pagpapangkat-pangkat alinsunod sa uri 2: pagsusuri sa kalidad, hal ng hiyás.
pag-ú•tang 1: paggawâ ng utang o pag-aplay ng utang mula sa bangko 2: paghingi ng salapi sa sinuman sa pasubaling babayaran ito ng katumbas o may tubò sa takdang panahon
pa•gut•pót 1: lapát o yantok na ginagamit na pampasinsin sa pag-lalà ng basket, hamaka, o sombrero 2: tunog ng píto, torotot, at katulad.
pag•wa•wa•lâ 1: pagsisikap lumaya mula sa pagka-katali o pagkakapiit 2: kilos upang iwala ang isang bagay 3: paglikha ng isang eskandalo o gulo dahil sa ma-tinding samâ-ng-loob.
pág•wa•wá•ngis 1: tayutay na gumagawâ ng pag-hahawig sa mga katangian ng dalawang bagay na pinaghaham-bing 2: proseso ng pagkakalikha o pagbaba-go ng mga salita sang-ayon sa padron ng wika