pá•hang 1: tapang ng alak o bisà ng mga yerba 2: ritwal ng paghingi ng biyaya sa pamamagitan ng pag-aalay.
pa•ha•páw 1: paha-láw 2: kinuha ang bahaging nása ibabaw sa pamamagitan ng kamay, hal pahapaw na pagdakót sa bigás na nása bilao.
pa•ha•ráp 1: nakapu-westo sa harap ang ibang bagay o isang patutunguhan 2: nakapuwesto ang mukha at katawan ng tao patúngo sa isang direksiyon o ibang bagay.
pa•ha•yág 1: pagsasawika ng nása isip 2: pagtatanghal o paglalantad 3: pagsisiwalat ng kuro-kuro o damdamin 4: pormal na pagpapabatid ng simula ng isang kalagayan o estado, hal pagpapahayag ng digma, pagpapahayag ng kalayaan 5: paglilista ng mga ari-arian, kíta, produkto, at katulad na dapat patawan ng buwis 6: a nakasulat na pagpapabatid sa mga layunin at mga tadhana ng isang kasunduan b isang listahan ng mga demanda ng nagpasakdal c isang pagpapatibay na ginagawâ sa halip na manumpa
pá•he 1: abay4 2: kaba-taang lalaki na naglilingkod bílang attendant sa palasyo at hotel, o ginagamit na konsorte sa kasal