pa•hi•bás : paggamit ng higit na mahinay at mapampalu-bag ng loob na salita kapalit ng nakasasakít at tahas na pahayag
pá•hid 1: púnas 2: paglalagay ng pinta sa pamamagitan ng brotsa, ng pulbos sa pamamagitan ng espongha, ng mantekilya sa pama-magitan ng kutsilyo, at iba pang katu-lad na gawain
pa•hi•lís 1: nása pagitan ng patindig at pahigâ o may ang-gulong kulang sa 90°, gaya ng ayos ng hagdan 2: kung sa pag-hiwa o pagputol, nakahilig sa isang panig, gaya ng hiwà ng kala 3: kung sa pagkilos pasulong, nakalihis o hindi tuwirang patúngo sa kasalu-bong o kaharap, gaya sa pahilis na tingin ng nahihiya
pá•hi•ná 1: isang rabaw ng isa sa mga papel na tinipon, karaniwang upang makabuo ng isang aklat o magasin 2: inimbak na datos lalo na yaong idinidisplay sa iskrin
pa•hi•ngá 1: naka-giginhawang pagtigil sa anumang gawain 2: ginhawa palayô sa anumang bagay na nakagugulo o nakagagambala 3: panahon o yugto na walang ginagawâ 4: pansamantalang pagtigil o kawalan ng galaw 5: pag-tulog.