pa•kis•kís 1: ka-tamtaman ang laking tarat (Lanius cristatus), abuhin o kayumanggi ang pang-itaas na bahagi ng katawan at may tíla maskarang itim na nakaguhit patawid sa matá 2: paggiling sa pamamagitan ng mákiná
pá•kit : baging na may iilang tinik sa katawan, hugis puso ang da-hon na patulis ang dulo, at nakakain ang bungang-ugat.
pa•kí•ta 1: anumang ipinamamalas 2: pang-akit 3: bahagi ng pelikula o palabas na ginagamit bílang pang-anunsiyo
pa•kí•tang-tá•o : kunwang pagpapakíta ng magan-dang pag-uugali na taliwas sa totoong ugali na karaniwa’y hindi maganda.