pak•pák 1: bahagi ng katawan ng ibon, paniki, kulisap, at katulad na ikinakampay upang makalipad 2: matigas at hugis dahong bala-hibo sa pakpak ng manok at ibon 3: dalawang bahagi sa gilid ng eroplano na kahawig ng pakpak
pak•pák-lá•ngaw : halámang-damo na masanga at mabalahibo, maliliit ang dahon, lila ang bulaklak, at nagagamit na pangmumog at panggamot sa íti.
pak•pák-tu•tu•bí : palumpong na gumagapang, karaniwang bilóg ang punò, at taluhabâng patulis ang dahon.
pak•síw 1: putahe ng isdang pinakuluan sa tubig, sukà, bawang, luya, at iba pang pampalasa 2: putahe ng karneng pinakuluan sa tubig, sukà, bawang, at iba pang pampalasa