pa•la•bás 1: pagta-tanghal sa teatro at telebisyon 2: kunwa-kunwariang gawain upang makapanlinlang 3: kata-ngian ng tradisyonal na panitikan, lalo ng tulang binibigkas, na may layuning magpaunawa sa madla
pá•la•bá•san 1: entablado o pook para sa pagtatang-hal ng dula o programa 2: kasang-kapan para lumabas ang isang bagay gaya ng palabasan ng tubig o poso 3: karaniwang oras ng paglabas sa opisina ng mga empleado.
pa•la•bay•bá•yan 1: sining ng tamang pagbaybay at pagsulat ng mga salita ayon sa tamang pamantayan o ga-mit 2: bahagi ng balarila tungkol sa mga titik at pagbaybay 3: metodo ng pagbaybay, tulad ng paggamit ng alpabeto o ibang sistema ng mga simbolo
pa•la•bi•gá•san 1: sisidlan o lalagyan ng bigas 2: tao na pinagkukunan ng salapi sa mapagsamantalang paraan
pa•lá•bo 1: paraan ng pagputol ng sakate 2: patalim na ginagamit sa pagputol nitó 3: mahabàng itak na pantabas ng damo.
pa•lá•bod : pahabâng piraso ng kawayan o kahoy na ginagamit na pamalo sa puwit ng pinarurusahang batà.
pa•lá•bok 1: salsa na malapot, sinasangkapan ng dinikdik na hipon, tinapa, at katulad, karaniwang ini-hahalò sa pansit 2: pangungusap na mabulaklak o mapanghikayat.
pa•la•bóng 1: sistematikong pamumudmod ng anuman sa isang pangkat 2: paghahagis ng pagkain sa mga manok, itik, at ibang hayop.