pá•lad 1: bahagi ng panloob na rabaw ng kamay mula sa galáng-galangán hanggang sa punò ng mga daliri 2: ang búhay na dinaranas ng sinuman 3: bahagi ng araro na hugis palad at may mga bútas na suutan ng mga tornilyo 4: talampákan1 5: dapâ2.
pá•la•dín 1: tawag sa maala-mat na labindalawang kabalyero ni Carlomagno 2: magiting na kabal-yero 3: sinumang tagapagtaguyod ng dakilang mithiin.
pa•lág 1: mabilis na pagkiwal ng isda 2: pagkilig ng mga bisig at paa lalo na kung nangangawit 3: pagtutol o paglaban
pa•la•gáy 1: pansari-ling pananaw o paniwala hinggil sa isang bagay na maaaring hindi nakabatay sa katunayan o kaalaman 2: pansariling pagtayà sa uri at halaga ng isang bagay o tao 3: pormal na pahayag hinggil sa mga katwiran para sa isang ibinigay na pasiya 4: bagay na ibinilin para ilagay sa isang lugar 5: pagiging mahinahon sa gitna ng galit o dalamhati.