pa•la•mán 1: paraan ng pangkukulam, tulad ng paglalagay ng isang bagay o gamot sa katawan ng tao na kinukulam upang ito ay maghirap 2: anumang inilalagay sa loob ng isang sisidlan 3: pagpapaipit sa papel o pagkimkin sa puso 4: karne, mantekilya, o anu-mang inilalagay sa pinagtaklob, biniyak, o dalawang hiwà ng tinapay.
pá•la•mí•gan : pook o kasangkapan para sa pagkain at inumin na kailangang malamigan, hal cooler, repriherador, ice box.
pa•la•mú•ti, pa•la•mu•tí : anumang ikinakabit o idinaragdag sa isang bagay upang maging maganda at kaakit-akit ito
pa•lán : ilagay ang butil ng palay sa ibabaw ng tinilad na kawayan pagkaraang basain para tubuan ng ugat.