pa•lár 1: palad o kapalaran 2: lamán ng isda na walang tinik 3: pagbubukas para alisin ang , malala-king tinik ng isda 4: isang uri ng isda sa dagat.
pa•la•râ : manipis, makintab, at tíla metalikong papel, karaniwang kulay aluminyo, at ginagamit na pambalot ng kendi, kaha ng sigarilyo, at iba pa
pá•las 1: pagtabas o pagpan-tay 2: pagka-wala ng málay dahil sa labis na pag-kawala ng dugo 3: pares ng bára sa pangkat ng sulibaw.
pa•lá•sa•gót : mahilig sumagot kahit hindi kailangan at kahit hindi kinakausap, malimit tuloy mapagkamalang bastos.