pa•lat•pát 1: mahabàng piraso ng kawayan na pinagsasabi-tan ng mga palamuti 2: isang uri ng punongkahoy.
pa•la•tu•hát : mga piraso ng kahoy sa habihan na pinag-uunatan ng mga sinulid, at itinutulak at hinahatak ng tagahabi sa pagbuo ng tela.
pa•lá•tun•tú•nan 1: lista ng serye ng mga pangya-yari, tagaganap, at iba pa, karaniwang nakalimbag, para sa pampublikong pagganap 2: brodkast sa radyo o telebisyon 3: plano ng mga pangyayari sa hinaharap 4: kurso o serye ng mga pag-aaral, lek-tura, at iba pa
pa•lá•tu•nú•gan : pag-aaral at pag-uuri sa iba’t ibang makahulugang tunog na ginagamit sa pagsasalita
pa•la•ug•ná•yan 1: bahagi ng balarila na nau-ukol sa pagkakaayos ng mga salita na nagpapakíta ng mga koneksiyon o ugnayan ng mga ito 2: set ng mga panuntunan para sa pagsusuri nitó 3: pagbubuo ng mga pangungusap alinsunod sa mga tuntunin