pa•léng•ke : isang lantad na pook o gusali na pinagtiti-punan ng mga tao upang bumili o magbili ng sari-saring produkto
paleoanthropology (pa•le•yón-tro• pó•lo•dyí) : sangay ng antropolohiya na tumutukoy sa fosil na huminid.
Paleocene (pa•le•yo•sín) : tumutukoy sa tersiyaryong panahon sa pagitan ng panahong Cretaceous at Eocene.
pa•le•óg•ra•pí•ya 1: sinaunang paraan ng pagsulat, gaya ng mga dokumento o inskrip-siyon; sinaunang mga akda 2: pag-aaral ng sinaunang akda, gaya ng pagtáya ng petsa at pinagmulan
pa•le•o•li•ti•kó : hinggil sa sinaunang bahagi ng Stone Age, na umiral ang kauna-unahang paggamit ng mga kasangkapang bató
paleontology (pá•li•yon•tó•lo•dyí) : sangay ng agham na tumata-lakay sa pag-aaral hinggil sa fosil ng mga hayop at haláman.
Paleozoic (pá•le•yo•zó•ik) : tumutukoy sa heolohikong panahon sa pagitan ng Precambrian at Meso-zoic.