pal•tík 1: pitík2 2: igkas ng isang bagay na bininit 3: baril na ginawâ nang walang pahintulot ng pamahalaan
pal•tók 1: usbóng1 2: biglaang pag-igkas at pagpalò ng isang bagay na mahabà gaya ng patpat 3: pag-hahagis sa pamamagitan ng isang bagay na mahabà 4: taluktok o tuktok ng gulod ng bundok.
pal•tós 1: pag-angat ng balát at pagkakaroon ng likido sa pagitan nitó at ng lamán, dahil sa pagkagilgil, pagkapasò, at katulad 2: anumang gawaing hindi tama.
pa•lú•git 1: pagbi-bigay ng daan upang makaraan ang iba 2: panahong idinagdag sa tak-dang araw ng usapan upang maka-tupad sa tungkulin o pananagutan 3: puwang o espasyo, karaniwan sa unang linya ng talata 4: palamáng sa kalaro, gaya sa pagbibigay ng palugit sa larong karera.