palmyra (pal•máy•ra) : palma (Borassus flabellifer) na mata-as, tíla pamaypay, at karaniwang ginagamit na pang-atip.
pá•lo 1: mataas na haligi o poste na kabitan ng layag o ng mga bandila sa sasakyang-dagat 2: pútol ng kahoy o kawayan 3: sákong 4: palós-buhángin.
pa•lók 1: patuloy o madalas na paggawâ sa isang gawain 2: hindi pagkain dahil sa pagkamatay ng isang kamag-anak 3: maha-bàng balahibo sa leeg ng manok.
pá•lo ma•rí•a : malaki-laking punongkahoy (Calo-phyllum inophyllum), 20 m ang taas at 40 sm ang diyametro, eliptiko at makintab ang dahon, putî at maba-ngo ang bulaklak, at bilog ang bunga na 4 sm ang diyametro, katutubò sa Filipinas at karatig pook hanggang India
pá•lo ma•rí•a del món•te : punongkahoy na tuwid, salítan at balahibuhin ang dahong biluhabâ, at nagagamit na panghalo sa asupre ang dagta ng balát ng punò.
pá•long 1: lamán na ku-lay pulá at hugis suklay sa tuktok ng manok o iba pang kauring hayop 2: takot ng hayop dahil sa pagpasok sa isang mapanganib na pook.