pa•lóng-pa•lú•ngan : yerba (Celosia cristata) na tíla palong ang pulá o dilaw na bulaklak at tumataas nang 100 sm
pa•long•póng 1: pananim na nasirà ng masamâng panahon 2: suloy na umuusbong sa pinutol na kahoy 3: pagbali o pagkabali ng bahaging dulo ng mga punò.
pa•ló•ot : salitâng Bisaya ngunit ginagamit din ng mga Tagalog, pagtatalop sa pipino, pinya, at katulad.
pa•lò•pa•lò 1: piraso ng ka-hoy na ginagamit para sa pagpalo ng nilalabhan 2: uri ng maikli at maitim na isda.
pa•lós : isdang-tabang (family Anguillidae), kahawig ng igat, may maliliit na kaliskis at may palikpik sa likod hanggang buntot
pá•lo-sán•to 1: kamagsâ 2: punongkahoy (Triplaris cumingia-na) na salítan ang biluhaba at mala-pad na dahon, at may bulaklak na puláng mapusyaw, katutubò sa tropikong Amerika.
pa•lós-bu•há•ngin : isdang tíla maliit na palos (family Congridae, subfamily Heterocongrinae), maliit ang bibig, pabilog ang ulo at katawan, at nakatirá nang pangkat-pangkat sa mabuhanging pook
pa•lo•sé•bo : uri ng laro na inaakyat ng kalahok ang tagdang kawayan na madulas dahil kinulapulan ng mantika at may naka-laang gantimpala sa tuktok