Sacred Heart (séyk•red hart) : sa relihiyong Katoliko, puso ni Hesus na pinag-uukulan ng tanging debosyon bílang simbolo ng Kaniyang pagmamahal at pagpapakasákit
sacring (séy•kring) 1: konsagrasyon ng mga elemento sa Eukaristiya 2: ordinasyon at konsagrasyon ng obispo
sacroiliac (sak•ro•íl•yak) : may kaugnayan sa sacrum at ilium, lalo na ang umuugnay sa dalawang ito sa likod ng pelvis
sacrum (sák•rum) : tatsulok na butó sa dulo ng gulugod at matatagpuan sa gitna ng dalawang butó sa balakang