sab•sá•ban 1: kahong pahabâ, karaniwang yarì sa pinagtagning kahoy o kawayan, at nilalagyan ng dayami at iba pang tuyông pagkain ng alagang hayop 2: pook na kinalalagyan ng naturang kahon o pook kainan ng alagang hayop
sa•bu•káy 1: pasalungat na pag-suklay 2: pagsampal na ginagamit ang likod ng palad 3: pag-hihip, pagluglog, o paggalaw sa trigo, lupa, o katulad na bagay 4: pagtatapon paitaas ng mga bagay
sá•bu•kót 1: ilahas na ibon (genus Centropus) may tungkos na balahibo sa tuktok ng ulo, mahabà ang buntot, at lungtiang itim ang pak-pak 2: buhok na walang kaayusan 3: lambát1