scalp (is•kálp) 1: anit1 2: a tinuklap na anit ng kalaban na itinuturing na tropeo ng mga Indian sa timog America b tropeo o simbolo ng tagumpay, paglupig, at katulad 3: bató sa tubigan na hindi nakalubog sa tubig
scalp (is•kálp) 1: tanggalan ng anit ang kalaban 2: punahin nang labis 3: muling ibenta sa higit na mataas na halaga
scalper (is•kál•per) 1: tao o bagay na nagtitinda ng sapi, tiket, at katulad sa higit na mataas na halaga 2: gamit na pang ukit
scan (is•kán) 1: matamang tingnan 2: umayon sa súkat ng berso 3: a suriin ang lahat ng bahagi ng isang rabaw at katulad upang tuklasin ang radyoaktibidad at iba pa b mapasailalim ang isang rehiyon sa radar at katulad na sinag 4: magpalaganap ng sinag o elektron sa isang rabaw upang makalikha o makapaghatid ng imahen tulad sa telebisyon 5: suriin ang súkat ng taludtod at iba pa sa pamamagitan ng pagbabasáng may diin sa ritmo nitó 6: suriin ang isang pasyente sa pamamagitan ng scanner
Scandinavia (is•kán•di•néy•vi•yá) 1: malawak na peninsula sa hilaga kanlurang Europa, na ka-tatagpuan ng Norway, Sweden, at Denmark 2: rehiyong pangkultura na binubuo ng mga bansang Norway, Sweden, at Denmark, at kung minsan ng Iceland, Finland, at Faeroe Islands
scandium (is•kán•di•úm) : element na metaliko, hindi pangkaraniwan, may tatlong valence, at mula sa thortveitite (atomic number 21, symbol Sc)
scanner (is•kán•er) 1: aparato hinggil sa sistematikong pagsu-suri o pagbabasá 2: mákináng pansúkat ng intensidad ng radyas-yon, ultrasound reflection, at iba pa mula sa katawan 3: tao na gumagamit ng mákináng ito
scapegoat (is•kéyp•gowt) 1: tao na binubuntunan ng sisi para sa mga kasalanan at pagkukulang ng iba 2: sa Bibliya, kambing na pinakawa-lan sa ilang matapos na simbolikong ilipat dito ng punòng pari ang lahat ng kasalanan ng mga tao
scapular (is•ká•pyu•lár) 1: a maikling monastikong kapa na tumatakip sa balikat o balagat b simbolo ng pagiging kaanib sa isang ordeng eklesyastiko, binubuo ng dalawang pahabang piraso ng tela na inilalagay sa mga balikat 2: eskapuláryo 3: benda para sa balikat 4: balahibong umuusbong malapit sa tinutu-buan ng pakpak ng ibon
scar (is•kár) 1: pílat 2: matagalang epekto ng pagdadalam-hati sa karakter o disposisyon ng tao 3: markang naiwan ng pagkasirà at iba pa 4: markang naiwan sa sanga sanhi ng pagkatanggal ng dahon
scarab (is•kár•ab) 1: a malakíng uwang (Scarabaeus sacer) na itinuturing na sagrado sa sinau-nang Egypt b scarabeid 2: sa sinaunang Ehipto, hiyas na pinutol nang hugis uwang at inukitan ng mga sim-bolo sa kabilâng bahagi, at ginagamit na pantatak
scarabaeid (is•kár•a•bí•id) : alinman sa mga kulisap sa family Scarabaeidae, kabílang ang scarab at uwang