schizophrenic (is•ki•so•frí•nik) 1: may schizophrenia 2: kakikitáhan ng magkakasalungat o hindi magkaka-tugmang katauhan, saloobin, at iba pa
school (is•kúl) 1: páaralán 2: mga mag-aaral 3: pangkat ng tao na magkakatulad ng pananaw, o pananaw sa mundo 4: pangkat ng mga isda, gaya ng pangkat ng lumba lumba, balyena, at iba pa
schooner (is•kú•ner) : sasakyang pantubig na may layag sa unahán at hulihán, higit na maliit ang unahang layag kaysa iba
science fiction (sá•yans fík•syon) : anyo ng kuwento batay sa naisip na pag-unlad na teknolohiko o siyentipiko, malakíng pagbabago sa kaligiran o lipunan at iba pa, madalas na itinatampok ang kalawakan o paglalakbay sa ibang panahon at buhay sa ibang planeta
scientism (sáy•an•tíz•im) 1: a paraan o doktrina na ipinalalagay na natatangi sa mga siyentista b paggamit o pagsasagawâ nitó 2: labis na paniniwala sa pamamaraang siyentipiko
scientology (sáy•an•tó•lo•dyí) : sistemang relihiyoso na naniniwala sa paglinang sa sariling kaalaman at espiritwal na kaganapan sa pamamagitan ng pag-aaral at pagsasánay